Hi readers,
Muli, My Guy wants to thank you all sa nagpaunlak na basahin ang aking entry sa mumunting blog na ito. May mga natutuwa at meron din hindi sang-ayon sa mga nilalaman ng aking mga entry, ngunit nais ko lang din liwanagin na ang mga ito ay pawang mga ideya at opinyon ko lamang base sa aking point of view.
Bilang panimula, maaalala ninyong lahat na ako ay isang aminadong bisexual. Sa tuwing ito ay aking sasabihin sa kung sinuman ang magtatanong o magkukumpirma sa aking sexual preference, iyon lamang ang aking sinasagot. Ngunit may mga iba na nalilito kung anu ang kaibahan nito sa isang ganap na bakla, eh anu nga ba?
Ating umpisahan sa silahis o bisexual. Base sa aking pagkakaintindi, ang bi ay isang indibidwal, lalake man ito o babae, na parehong sexually attracted sa opposite at kaparehong gender nila. Sa ngayon, biglang dami ang bilang ng mga bisexual sa bansa. Marahil, ang karamihan dito ay mga matagal nang nagtatago ng kalambutan at ngayon lamang nagkaroon ng lakas ng loob iexpress ang kanilang saloobin. Ito ay dahil ang LABEL na Bi ay kinilala na, kaya't nagkaroon na sila ng chance para palayain ang kanilang sarili sa closet na kanilang pinagtataguan.
Ang susunod naman ay ang mga gays, bakla, queers or homos na tinatawag. Sila ay kabilang sa mga Eba na nakulong sa katawan ni Adan, at nagnanais na maging isang ganap na Eba sa tunay na buhay. Mga indibidwal na nagsusuot ng damit na pambabae, naglalagay ng make-up, nagsusuot ng wig, at gumagamit ng pambabaeng pangalan, ito ang kadalasang mukha ng karamihan ng mga diyosang pink na ito. Hindi katulad ng mga Bi, sila ay nagkakagusto lamang sa mga straight na lalake, o di kaya'y sa isang Bi na lalake kumilos at manamit. Nuon pa man, sila ay nageexist na sa ating kasaysayan. Dito naman sa atin sa Pilipinas, sila naman ay nakasanayan ng mga Pinoy na nakikita sa loob ng Parlor, kalahok sa mga Ms. Gay Pageant, o di kaya'y nagdedesign ng magagarang damit na inirarampa ng mga modelo. Ito ang conventional perception ng karamihan sa gay dito sa Pinas.
Naging hindi man maganda ang naging reputasyon ng mga gays noon, sa paglipas ng panahon, unti-unti na silang nabibigyan ng pagkakataon upang patunayan na mali ang society sa perception nila towards gays. Ngayon, isa na sila sa mga gumagawa ng pangalan at nagaambag ng marangal at maayos na gawaing tunay na maipagmamalaki ng sinoman. Nawa'y magsilbi ang mga ito sa iba pa bilang inspirasyon. Bukod sa kanilang mga kontribusyon, unti-unti na rin nagkaroon ng pagbabago sa kanilang pananamit. Marami na ngayong mga gays ang nagbibihis ng kagaya sa lalaki at madalas, mas gwapo pang maituturing ang kanilang dating at tindig kung ikukumpara sa isang tunay na lalaki.
Sa dalawang nabanggit na sexual preference, ito ay nahahati pa rin sa dalawang category, ito ay ang mga outspoken at discreet. Kapag sinabi natin na outspoken, sila ay mga bi o gays na lantaran at walang takot na sinasabi sa mundo na PINK ang tunay nilang kulay sa kabila ng mapanghusgang mata ng lipunan. Samantalang ang mga discreet naman ay mga bi o gays na maingat na pinangangalagaan ang kanilang image at reputasyon. Iniiwasan o iniingatan nilang malaman ng kanilang mga kaibigan, kapamilya, katrabaho, o kung sinuman ang nakakakilala sa kanila na PINK talaga ang tunay nilang kulay.
Ito ang ilan lamang sa mga LABEL na ginagamit ngayon ng mga member ng PINK SOCIETY. hehe
==========================================
My Guy's Opinion:
Whatever your LABEL might be, you should always put in mind na respeto lagi ang paiiralin. Kung nagnanais kang makatamasa ng respeto mula sa iba, ito ay pasimulan mo sa iyong sarili. Matutong rumespeto sa iba, in return, rerespetuhin ka rin ng mga tao sa iyong paligid kahit na anuman ang iyong LABEL.
Also, maging Bi ka man or Gay, nabibilang pa rin tayo sa iisang community, sa iisang mundo. Huwag tayong magmamalinis dahil may kanya-kanya din tayong dungis. Mas bigyan nalang natin ng importansya kung paano tayo mas magiging kapaki-pakinabang at kung paano tayo magiging isang mabuting mamamayan.
Besides, wala rin naman pinagkaiba kung Bi ka man o Gay eh, kanya-kanyang level lang ng kabaklaan sa katawan yan. Whether you like it or not, that's a FACT.
==========================================
5 comments:
Agree ako sa kanya-kanyang level part. So true. At mahirap yan intindihin ng mga taong straight na walang concern sa mga nakaka-experience ng ganyan, sarado ang utak.
Labeling is created by people who dont accept fully their being gay. However, whatever they call for themselves, they deserve respect and understanding from everybody. Maging, straight, homo, bisexual or transexual man...tao parin tayong lahat na may karapatan sa mundong ito. :)
super agree :) marami narin nga gays nag e impost na bi cla. And i dnt knw why :c kng bi cla. Sapat nba mag damit panglalaki? Umastang lalaki? Pro lalaki parin ang hanap.. Marami po ako nakikitang ganyan. Boses babae pa nga e.. Tama lhat ng statement nyo po. Pwo pag makikita m cla at tatanongin kng anu label nla. Sagot Bi eto po ba ay pag talikod sa katotohanang gay cla? O para sa sariling interest nla? :)
tama.....!
@All: salamat sa mga comments nyo.
@scott: yeah, totoo ang mga cnv moh. Pero bilang isang indibidwal, marapat lamang na igalang nalang natin ang kanilang kagustuhan kung anupaman ang kanilang rason.
Post a Comment