My Guy's Followers

Saturday, March 5, 2011

Polygamy Ruins Everything

Hi there readers,

As a start, I will tackle a certain issue na madalas maencounter ng aking malapit na kaibigan. Matagal tagal ko na rin siyang kakilala ngunit nagstart lang ang pagiging close nmin ng husto nang maengganyo niya akong maggym. In short, he is my gym buddy na naging best friend na rin sa kinalaunan. Itago na lang natin siya sa pangalang "R."

Si "R" ay isang bisexual na kagaya ko at sa Bataan naninirahan. Naging kilala si R dahil sa kasikatan ng kanyang bunsong kapatid na mangaawit na makailan beses nang lumahok sa mga singing competition sa Bataan at maging sa mga kilalang TV stations. Bukod dito, siya rin ay naging kapansin pansin dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Mapababae man, lalake, silahis, o ganap na bakla, lahat ay naaappreciate ang angking kgwapuhan ng aking kaibigan. Dahil dito, ito ang naging sanhi upang pumila ang kabi-kabilang suitors niyang bisexuals at gays.Dahil sa bagay na ito, ito ang naging sanhi ng kanyang problema.

Sa tuwing kami ay magkakasama o magkakausap sa text at tawag, lagi niyang naikukuwento ang mga suitors nya. Kung sino ang okay, kung sino ang hanggang kaibigan lang, kung sino ang gustong gusto nya, at kung sino ang total turn off sa kanya. Dahil sa mga ganitong bagay, nakilala ko siya ng lubusan at nakabisado na rin pati ang mga tipo nya. Isa sa malakas para sa kanya ay mga PAYAT.

Bilang kaibigan, ako ay naging concern dahil napansin kong panay ang entertain nya sa kabi-kabila nyang mga suitors. Lumalabas sila, kumakain sa restaurant, nanunuod ng sine, at namamasyal. Ganito ang naging routine niya sa tuwing may suitor siyang nagugustuhan niya. Ito ay madalas nagpapatuloy hanggang sa magkaron sila nga M.U. or mutual understanding. Sa pagpapatuloy ng ganitong routine, paulit-ulit din siyang nalalagay sa alanganin. Umaabot sa point na magkakalabuan sila ng isa nyang ka-M.U. dahil dun naman siya sa isa sa iba pa niyang ka-M.U. nakafocus. In short, R unconsciously grew into a polygamous bisexual.

Minsan nasa gym kami at nagconfide siya sa akin ng problema. According to R, he's having a problem sa isa niyang ka-M.U. dahil nagtatampo na ito sa kanya. Lingid sa kaalaman ng ka-M.U. niya ang dahilan ng kakulangan ng oras ni R sa kanya. Ang naturang dahilan ni R, siya ay naging busy sa paglabas at pageentertain ng iba p niyang suitor.

Nang sumunod na gym session namin, 3 na ang nagtatampong ka-M.U. nya sa kanya. Dahil dito, pinayuhan ko na siya, regardless kung masasaktan man ang ego niya sa aking mga sinabi. Bilang panimula, inalam ko muna kung sino at paano niya nakilala ang 3 iyon. Ang sumunod, tinanong ko din muna kung sino ang mas matimbang sa kanya.Tinuran ni R ang pangalan ng isa, ngunit ayaw niya rin mawala ang dalawa pa. Nagulat ako sa naging sagot ng kaing kaibigan sa akin. Kaya't pinasya ko na tapusin muna ang aming usapan at ipagpatuloy na lang kapag kami ay nagkausap muli.

Nang sumunod na araw, kinamusta ko ang problema niya. Walang pagbabago, ganun pa rin. Sa pagkakataong ito, sinabihan ko na siya ng "R, you can't have the three of them. You have to choose." Ito ang mga salitang uang lumabas sa aking bibig. Base sa naging takbo ng pangangaral ko sa kanya, aking ipinabatid sa kanya ang kanyang kagustuhan na makatagpo ng matinong karelasyon ay tama ngunit ang pagsabay-sabayin silang 3 na ka-M.U. niya ay isang malaking kahibangan, given the fact n ayaw niyang bitawan ang isa sa kanila. Moreover, hindi rin magiging maganda para sa kalusugan niya ang pag-iisip patungkol sa personal niyang issue dahil sa stress na natatamo niya sa bagay na ito.

Sa pagdaan ng araw, patuloy ang pangangaral ko sa aking kaibigan. Patuloy ko pa rin siyang tinutulungang mabigyang linaw ang bagay na bumabagabag sa kanyang isipan.

=======================================

My Guy's Advice:

We all know that most of us seek for true love at relationship na magtatagal. However, karamihan ay hindi maiwasan ang pagiging polygamous. Darating at darating sa punto na ang isang tao ay maaakit na gawin ang hindi kanais-nais na gawaing ito.

Bilang individual at isang bisexual, ako din po ay hindi nakaiwas sa ganitong bagay. Naranasan ko na ang gawin at mabiktima ng gawains ito. Base sa aking personal na karanasan, walang magandang maidudulot ang pagiging polygamous. Bukod sa nakikipaglokohan ka lang, isipin mong may masasaktan kang tao. Kung ikaw mismo, ayaw mong nasasaktan ka, hangga't maaari, iwasan mo rin ang makapanakit.

Consider those people na involve kung kayo man ay gumagawa ng ganitong bagay. Kung nakakaranas kayo ng kasiyahan sa ganitong gawain, malamang ay panandalian lang yan dahil sa huli, makakapanakit ka pa rin ng damdamin ng iba. Take this advice from My Guy, maniwala ka sa KARMA.

=======================================

3 comments:

Jayson said...

yeah agree.....i dot understand why most gays and bisex are polygamous.... we do not wantm to be alienated, marginalized and be criticized by others yet..we are doing things that worth criticizing....

WE are shouting for equality and respect yet most gays do not even put respect on their selves with their actions.....

Let us show to the world our worth and not our rotten attitudes...

Myx said...

Yeah, you're right Kuya Jayson. San pa nga ba magstart ang lahat kundi sa sarili natin, right?

Since ayaw niyong nakakaexperience na masaktan, might as well, avoid doing things that might inflict great damage to other individual at any aspect.

venice said...

nice one myx!

Post a Comment