My Guy's Followers

Monday, March 14, 2011

A Salute for Enchong Dee

Hi readers,

First of all, nais kong magsorry dahil medyo natagalan ang kasunod mula nang huli kong post. Anyways, here I am once again to share to you guys some of my experiences and thoughts about certain topics.

As a start, I decided to talk about once of the most intriguing young star ng ABS-CBN. Siya ay walang iba kundi si Enchong Dee. Bigla ko siyang naalala dahil sa aking officemate. We happen to see this very cute young man in personal noong nakilahok siya sa parade sa katatapos lamang na Panagbenga 2011 Flower Festival in Baguio. Karamihan ng taong nakakakita sa kanya ay naaappreciate ang angking kagwapuhan nito, ngunit ang tumawag sa aking pansin ay ang iilang kabataan o manunuod na tahasan ang pagsigaw sa kanya ng "Bakla." I was abashed by this pathetic behavior. Marahil ang balitang si Enchong ay isa daw bakla gaya ng ibinabatong intriga sa ibang lalaking artista ang naging sanhi upang ibato sa kanya ang ganitong klaseng alegasyon.

Simula nang pumutok ang balitang may kinalaman sa kasarian ng naturang aktor, ito ay parang virus na kumalat, lalo na sa gay community dito sa Pilipinas. Naging laman ng usap-usapan sa mga forum sites at iba pang blogging sites ang issue patungkol kay Enchong at ang mga lalaking nalilink dito. Sa kabila ng mga issue na ito, ang aktor ay nananatiling tahimik at ipinagkiklibit balikat na lamang ang mga ganitong usapin.

Noong matapos ang parada at kami ng aking mga kasama sa trabaho ay nagkita-kita na sa SM Baguio upang mananghalian, isa sa aking mga katrabaho ang nagsabing, "ang gwapo ni Enchong Dee, no? Kaso sayang kasi bakla siya. Pero sa totoo lang, bilib ako sa kanya." Nang marinig ko ang sinabi ng aking kasama, bigla akong nagtaka dahil pagkatapos niyang panghinayangan at kwestiyunin ang sekswalidad ni Enchong ay nakuha niya pa rin humanga sa binata. Dahil dito, bigla kong natanong kung bakit siya bumilib sa aktor, at ito ang kanyang naisagot, "kasi, sa kabila ng mga tsismis ni binabato sa pagkalalake niya, di niya pinagaaksayahan ng panahon para pansinin ang mga ito. Yun tipong okay lang sa kanya, whether totoo man o hindi na bakla siya."

=========================================

My Guy's Insight:

Whether totoo man ang issue patungkol sa kasarian ng aktor na si Enchong Dee o hindi, hayaan na lang natin siya. Karapatan ng indibidwal na ito na itago o isiwalat ang anumang may kinalaman sa kanyang pagkatao. Given na isa siyang public figure dahil sa kanyang pagiging artista, ngunit bigyan din natin siya ng privilege para sa kanyang privacy. One more thing, para sa mga kabilang sa LGBT community, wag tayong maging mapanghusga dahil batid ng karamihan sa atin kung gaano kasakit ang mahusgahan sa lipunang ito. Huwag tayong gumawa ng mga bagay na ikakasakit, ikakasira o ikapapahamak ng buhay ng iba dahil ayaw din natin mangyare sa atin ito.

As for Enchong, My Guy salutes you for not minding those people who are wasting their time bragging about your sexuality.

=========================================


5 comments:

Jayson said...

:) may ganun palang issue? hahaha outdated talaga ako

Unknown said...

Hehe ou kuya. Sad thing nga lang, maxadong big deal sa madaming tao ang mga ganyang bagay...noh?

Anonymous said...

kung bakla man sya, napaka swerte nyang bakla.mabenta sya...

Mr. G said...

Hi Myx! Thanks for the link! Nice blog you got here. I am still in the process of creating my blog link, but I followed your blog already. Thanks!

Anonymous said...

ako din di ko lam ang isyung to ;D hahaha..

Post a Comment