My Guy's Followers

Thursday, March 10, 2011

Review: Engkantadong Gubat

Hi readers,

Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa ng aking mga opinyon, saloobin, at ideya base sa aking point of views. Ngayon, nais kong ibahagi sa inyo ang isang istoryang aking nabasa, na bagamat erotic kung maituturing, naisakatuparan pa ring bigyan ng kulay ng manunulat at blogger na si Jayson Patalinghug. Ang aking tinutukoy na istorya ay ang "Engkantadong Gubat," kung saan tampok sina Jed at Joseph.

Para sa synopsis ng kwento, si Jed ay isang binatang laki sa lansangan at ang tanging ikinabubuhay ay ang manlamang sa kapwa. Isa rin sa natatagong katangian ng binata ay ang makaramdam ng mga bagay na pawang iilang tao lamang ang may kakayahang makaramdam, mga bagay na hindi normal o may bahid ng kababalaghan. Isang gabi, sa paghabol sa kanya ng mga tao dahil sa isang kasalanang kanyang ginawa, siya ay biglang napadpad sa isang mahiwagang engkantadong gubat.

Sa nasabing engkantadong gubat, dito niya natagpuan ang isang makisig na estatwa ni Joseph, na naging bato dahil sa pagiinteres sa isang isinumpang kopa. Nailigtas ni Jed si Joseph sa pamamagitan ng isang halik na naging dahilan upang magingtaong muli ang nakatatandang binata. Sa paglilibot nila, kabi-kabilang pagsubok at panganib ang kanilang naranasan. Kasama na rin sa kanilang paglibot sa mahiwagang gubat ang makailang beses nilang pagniniig na tila ba normal na para sa kanila.

Marami ang naganap at mga interesanteng tagpo ang nakapaloob sa naturang kwento. Kaya't nais kong irekomenda sa inyo na basahin ang kwento at buksan ang isipan sa mundong elemental.

=====================================

My Guy's Insight:

Base sa nakita ko sa kwentong ito, maliban sa mga erotikong tagpo, ay ang pagpapamalas ng hindi pagiging abusado ni Jed sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng engkanto. Nabigyang diin kulay at twist din ni Kuya Jayson ang kwentong ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga tauhan at lugar na hango sa mundo ng pantasya. Nakakatuwa isipin na naisakatuparan niyang kilitiin ang curiosity ng kanyang mambabasa upang maging interesado kahit paano sa mundong may kinalaman sa mga nilalang gaya nang Kataw, Dragon, at mga engkanto. Batid kong ang nais ni Kuya Jayson ay ang makagawa ng kwentong erotico ngunit lingid sa kanyang kaalaman, na nakapagbigay din siya nga kaalaman sa istoryang ito. Maraming salamat sa pagkiliti ng aming imahinasyon at ang pagbulabog sa aming curiosity upang magresearch ng kahit paano patungkol sa mga bagay na may kinalaman sa mundo ng mga engkanto.

=====================================


1 comments:

Jayson said...

hahaha...salamat sa review Myx. In the theory of mimesis by Plato, he said that reality is only in the valley of shadows and what you see around you are only imitations. On the contrary aristole said that reality are things around you and we make a copy of these relity in the world of imagination.

Fantasy stories are archetypal in nature. Every scenes, things and characters in the stories are synbols if what is real in the real world.

realities that are hidden in the world of fantasy....

Post a Comment