Hi readers,
Muli, nais kong magpasalamat sa inyong lahat na bumibisita at nagbabasa ng aking entry sa aking munting blog, regardless kung ito man ay maganda o hindi kaaya-aya. Nais ko lamang pong ibahagi ang aking idea at opinyon patungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa aking sexual preference.
At para sa araw na ito, nais kong bigyang pansin ang isang istoryang nakapagbigay sa akin ng inspirasyon. The story I was telling about was a bisexual love story. If you are going to ask me, it was an epic. The title is "No Boundaries" sa panulat ni Emray (author's penname) na aking natagpuan sa isang blog na aking madalas tambayan, which is Literatures of Life ni Kuya Jayson.
The story features the life and love story of Nico and Andrei. Si Nico ay isang sacristan, valedictorian, at achiever sa kanilang bayan, samantalang si Andrei ay anak ng isang gobernador. Ang kanilang pagtatagpo ay tila sinasadya ng kapalaran, kung inyong mababasa ang naturang istorya.
Maraming karakter din ang napasama sa istory na lalong nagbigay ng kulay sa takbo ng love story ng dalawa. Kasama na dito ang kani-kanilang pamilya na may sari-sariling problema na bumagabag sa kanilang pagkatao ngunit sa kinalaunan ay nasolusyunan, ang unti-unting pagkahulog ni Andrei at nang kanyang kakambal na si Andrew sa batang si Nico lalo na sa maganda nitong boses at kaaya-ayang muka nito, andiyan din ang pagpasok ni Nico sa seminaryo tulad nang inaasahan ng marami sa kanya at ang pagtulong niya sa kinakaharap na mga issue ng naturang seminaryo, ang pagsasakripisyo ni Andrei para sa kanyang tinatanging Nico, at isang matinding karamdaman na dumapo kay Nico na naging sanhi ng pagkamulat ng lahat sa kabutihang nagawa nito sa lahat ng taong nakakakilala dito.

Ito ay ilan lamang sa dapat asahan sa naturang kwento. Kahit na ito ay isang istoryang nabibilang sa Gay Literature, ito pa rin ay kapupulutan ng aral na nangyayare sa tunay na buhay.
=====================================
My Guy's Insight:
Base sa istorya ng "No Boundaries," ipinakita ng dalawang karakter na sina Nico at Andrei ang klase ng pagmamahala kung saan ipinamalas ang pagsasakripisyo ng isa para sa kasiyahan ng isa. Hindi lamang ito sa pagitan ng dalawa, ngunit ito rin ay ipinamalas ng ibang karakter sa kwento para sa kapakanan at pagmamahal sa mga taong minamahal nila.
Kabilang din dito ang mabubuting gawaing ipinamalas ni Nico, na sa kabila ng mga pasakit at inaakalang pambabalewala sa kanya ng kanyang pamilya ay nanatili ang paniniwala na ang lahat ng ito ay may dahilan. Sa huli, ang pagsasakripisyo ng binata ay nagbunga.
Ang isa ring nakakabilib sa istoryang ito ay ang pagpapamalas ng malakas na pananalig ni Nico sa Poong Maykapal. Ang madalas na pakikipag-usap dito sa tuwing pakiramdam niya ay magulo ang lahat at tila ba nag-iisa siya at walang masandalan kundi ang Poong Maykapal lamang.
Ang masasabi ko lamang ay hindi matatawaran ang kwentong ito dahil sa nabigyang diin ang titulo na pagdating sa Love, walang boundary na makakahadlang dito, no matter what it takes as long as totoo ito, handang magpamalas ng katatagan at pang-unawa, at nananatiling malakas ang pananalig sa Poong Maykapal.
=====================================
4 comments:
nice naman :D
Salamat Hanzifei...
nakaka inspire! angsarap ma inlove!! love has no bounderies nga tlga!
first, hindi ko pa ko nababasa ang review ng no boundaries.. pero ano man po ang laman nito ay nagpapasalamat na ako at naglaan po ikaw ng oras para basahin ang nb.. :-)
emray
Post a Comment