Hi readers,
First, I would like to say thank you sa mga nagpakita ng appreciation sa aking unang entry dito sa "Komhico's My Guy."
Now, as a start, I will have my opinion regarding on the misconception of Love and Sex based on how I understand it. I have chosen this particular topic dahil sa isang pangyayaring aking naalala, na nangyari sa akin 1 year and 4 months ago.
May nakilala akong bisexual from Manila named Michael. Nakilala ko siya sa isang kilalang bar ng mga bisexuals at gays sa Cubao malapit sa Gateway. Dito usually nagkikita kita ang mga bi at gays na kasali sa mga group, clans, societies, or whatever they call it.
I've been in that place only once. So, I was hanging out with my friends na nagdala sa akin sa lugar na yon. Pinaghalong kaba, hiya, saya, at curiosity ang aking naramdaman ng mapunta ako sa lugar na iyon. Since bago ako sa lugar, hindi ako gaano sanay to mingle with strangers sa lugar na iyon. We started to drink around 10 PM until 3 AM. Around 1AM pa lang, medyo tinamaan na ako ng beer kaya't medyo nagkaroon ako ng guts na makipagusap sa hindi ko kakilala.
Unconsciously, meron palang nakamasid sa akin sa pagdating pa lang namin. That was Michael. Isang 3rd year education student mula sa isang pamantasan around Manila area. Habang patuloy ang kasiyahan, I decided to have a leak sa comfort room sa second floor ng bar kasi ang haba ng pila sa baba. Hindi ko namalayan na sinundan niya pala ako at hinintay niya sa labas ng comfort room. Paglabas ko ng CR, nagkunwari siyang nabunggo ako at nagsorry, then he introduced himself. We talked for about 5 minutes bago ako bumalik sa table namin at this time, kasama na siya. I introduced him to my friends and agreed na isali siya sa kasiyahan namin.
It was 3 AM nang magdecide ang grupo na umuwi na. By that time, Michael asked my permission kung pwede niya daw ba akong ihatid sa bahay namin, so I said YES. Habang nasa taxi na kami, I told him na ayaw ko pang umuwi. By that, he decided to take me on his apartment malapit lang sa school nila. Mag-isa lang siya sa apartment that time dahil umuwi ang ate niya ng Pampanga.
So, what would you expect to happen kung may dalawang bisexual sa isang lugar na solo nila. That's when the action happened.
Nagising na kami around 11 AM. Nagprepare siya nga meal para sa aming dalawa habang ako ay nagpapahinga pa rin sa room niya. Later on, tinawag niya na ako para kumain. Habang ineenjoy namin ang aming pagkaen, nagsalita siya. Binalikan niya ang mga nangyare sa aming dalawa ng buong magdamag. As he went on sa pagkukwento, nabanggit niyang mahal niya na ako dahil sa may nangyare na sa aming dalawa. I was shocked sa narinig. Hindi ko alam kung pagtatawanan ko siya o anuman. Ang tangi ko lang nasabi ay, "Siryoso ka?"
Sa murang edad kong ito, natutunan ko na kung anu ang ibig sabihin at ang pakiramdam ng conventional love sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. Ganun din naman ang pagmamahal sa kapwa lalaki. Aware din ako sa realidad na may mga taong ang hanap lamang ay tawag ng laman. Ang mga bagay na ganito ay walang eksaktong paliwanag at palaging case-to-case basis.
Sa pagkakasabi kong iyon, nagulat siya sa reaksyon ko. Unfortunately, I turned him down sa mga nasabi niya sa akin at pinaliwanag sa kanya na hindi ako sang-ayon doon base sa aking paniniwala. Sa ngayon, hindi ko na alam kung nasaan man siya ngayon, at umaasang siya ay ligtas, masaya at nasa mabuting kalagayan.
=======================================
My Guy's Advice:
We all know na sa isang relasyon, kasama ang pakikipagniig sa kapareha. Ngunit kung hindi alam ng isang indibidwal ang pagkakaiba ng tawag ng laman sa pagmamahal, isa itong malaking problema. Sa kasalukuyan, maraming bisexual at gay ang naghahanap ng tunay na pagmamahal, ngunit marami din naman ang nais ng panandaliang pakikipagniig upang maibsan ang init ng kanilang katawan sa tulong ng ibang taong hindi nila karelasyon. Ang katwiran ng mga taong gumagawa nito, "no strings attached, just pure fun."
Ngunit sa mga ganitong pangyayari, may mga indibidwal na ginagamit ang paraang ito upang makahanap ng tunay na pagmamahal. Maaring tama para sa iba, at mali naman base sa prinsipyo at pananaw ng iba.
May kanya-kanya tayong definition ng pagmamahal. Nakakalungkot nga lang isipin na may mga taong nabubulagan at hindi malaman kung tunay na pagmamahal nga ang nararamdaman nila at hindi LIBIDO lamang ang pinaiiral.
Payo lamang, kung nagnanais kang makatagpo ng pagmamahal mula sa iyong ineexpect na kapareha, make sure na magsisimula ito sa isang magandang bagay, hindi dahil sa tawag ng laman. Base sa aking obserbasyon, ang mga ganitong klase ng relasyon na nagsimula sa pakikipagniig ay hindi nagtatagal, samantalang ang mga relasyong dumaan sa proseso at sa mga bagay na sinubok ang kanilang pagmamahal sa isa't isa ay nagtatagal.
=======================================
P.S.
Ang mga tinuran ng author sa entry na ito ay pawang opinyon lamang base sa kanyang pananaw at napagdaanan.